Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kidapawan City red alert vs BIFF

kidapawanNAKATAAS sa red alert status ng Kidapawan City, Cotabato province dahil sa banta ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang red alert ang pinakamataas na security alert status sa military at police.

Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagbanta ang BIFF na maglulunsad sila ng pag-atake sa Kidapawan dahil humingi ng tulong si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Itinanggi ito ng governor at sinabing wala siyang kinalaman sa banggaan ng dalawang grupo.

Nitong weekend nagkaroon ng hiwalay na engkwentro ang BIFF sa Armed Forces of the Philippines at MILF sa Pikit, North Cotabato at Pagalungan sa Maguindanao.

Ayon sa militar, bagama’t magkahiwalay ang kanilang operasyon ay nakipag-ugnayan sila sa MILF.

Sinabi ng MILF na nilalabanan nila ang BIFF dahil sa pagkondena sa terroristic acts ng grupo.

Ipinag-utos na ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ipagpatuloy ang military operations sa North Cotabato kontra BIFF.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …