Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel fans, kinuyog ng lait si Vice Ganda

ni Alex Brosas

022415 kathniel Vice Ganda

GALIT na galit ang fans nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla kay Vice Ganda.

To the max ang galit ng KathNiel fans kay Vice dahil maikli lang ang exposure ng idols nila sa Gandang Gabi, Vice.

Talagang kinuyog nila sa lait si Vice, kung ano-ano ang pinagsasabi nila sa social media. Parang pinalalabas nila na hindi dapat maikli ang exposure ng idols nila.

Siyempre, nakarating kay Vice ang mga patutsada ng KathNiel fans. Hindi naman niya ito pinalagpas at nag-tweet siya ng kanyang side.

“Reading tweets of Kathniel fans. Kalurks! Di na nga nagpasalamat nagalit pa dahil bakit daw ang igsi ng guesting. #HirapNyoIPlease #EDiWow”

“Buti na lang ang ganda talaga ng boses ni Kyla kaya goodvibes pa din!(THUMBS UP) #GGV”

“I and GGV can only do so much! #YunNaLang #WagKayongMagtanongBakaSumagotAko #SmileNaLang”

“To my LittlePonies: Pag minsan maigsi ang guesting ko wag kayo magagalit sa show ha. Baka wala talagang oras. O baka wala akong kwento nun.”

“My whole GGV family works VERY HARD to give you a good show and make u all happy every Sunday night. Thanks to all who appreciate.”

‘Yan ang sunod-sunod na tweets ni Vice.

Nakakaloka naman talaga itong KathNiel fans, parang gusto nila ay sila na lang ang masunod palagi. Kung nagrereklamo kayo’t maikli ang exposure ng idols ninyo, eh, bakit hindi na lang kayo bumili ng network para every second, every minute, every hour ay panay sina Kathryn at Daniel ang ipalabas ninyo?

Kung gusto ninyo ng mahabang exposure, bakit hindi kayo magreklamo sa Dos? Kalampagin ninyo ang mga network executive, tingnan lang namin kung pakinggan nila kayo.

Ang KathNiel fans talaga!!!!!!!!!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …