ni Roldan Castro
MATUNOG ang balitang split na sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion.
Hindi nga ba magkasama noong Valentine’s Day sina Jasmine at Sam? Nag-post daw ang matalik na kaibigan ni Jas ng larawan nito na ang caption ay, ”Who needs a boyfriend when you have a best friend who went the extra mile and took you out on a fancy schmancy Valentine’s dinner?”
Makikita rin sa Instagram account ni Jasmine na nasa Amanpulo siya ngayon. Bahagi kaya ito ng kanyang pagmo-move-on?