ni Alex Brosas
HIWALAY na talaga sina Jasmine Curtis and Sam Concepcion.
Ayaw lang nilang aminin pero matagal na raw na nagkakalabuan ang dalawa.
Isa raw sa dahilan ay hindi raw nagre-reach out si Sam kay Anne Curtis.
Eh, bakit naman kailangang makipagbati ni Sam kay Anne, eh, siya na nga ang nabastos ni Anne during a party last year? Inalipusta nang husto ni Anne si Sam at narinig iyon ng mga guest sa party.
Binura na raw ni raw ni Jasmine ang lahat ng photos nila ni Sam na magkasama. At noong Valentine’s Day ay hindi nga sila magkasama. Mayroong female friend na ka-date si Jasmine habang mayroon din yatang event si Sam na may kasamang ibang babae.
Pero matigas ang mukha ni Jasmine sa pagsasabing, ”No, we’re still together. Magkasama kami noong Valentine.”