ni Roland Lerum
AYAW nang palakihin ni Marjorie Barretto ang bagong isyu sa kanila ng ate niyang si Gretchen Barretto dahil napaka-cheap para patulan pa, ayon sa kanya.
Nagsimula ito nang ipahayag ni Gretchen na lagi siyang nanonood ng Forevermore at hangang-hanga siya sa galing at ganda ni Liza Soberano.
Nagkataong kalaban ito ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto when it comes to popularity kaya nagkagalit ang magkapatid! Kasi raw mas dapat na kampihan at hangaan ni Gretchen ang sariling pamangkin at hindi ibang tao!
Aba, eh masama ba kung nagsasabi lang naman si Gretchen ng totoo at tunay na paghanga kay Liza?