Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 patay, 11 sugatan sa sumabog na landmine

Police Line do not crossKORONADAL CITY – Tatlo ang patay makaraan pangha-harass ng grupong New People’s Army (NPA) sa isang detachment na sinundan nang pagpapasabog ng landmine dakong 2 p.m. kamakalawa sa Sitio Datalbiao, Brgy. Danlag, Tampakan.

Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Arnel Inonaria at Cpl. Mark Casipe, kapwa mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion ng Philippine Army, at ang CAFGU na si Mark Lozaga.

Ito ang kinompirma ni Lt. Col Ronald Jess Alcudia, battalion commander ng 27th Infantry Battalion (IB), Philippine Army.

Ayon kay Alcudia, isang miyembro ng CAFGU at dalawng sundalo ang namatay habang 11 ang mga sugatan na unang dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.

Habang inilipat ang iba sa kanila sa lungsod ng General Santos at Davao.

Nabatid na nagresponde ang 27th IB sa naturang lugar para sa clearing operations makaraan ang pag-atake ng mga rebelde sa detachment.

Pagdating sa bahagi ng Sitio Kampo 2, Brgy. Danlag, sumabog ang itinanim na landmine ng mga rebelde.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga militar laban sa rebeldeng grupo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …