Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Marie Digby, nagkita at nag-date raw sa LA

022315 sam milby marie digby

00 fact sheet reggeeISA pala sa dahilan kaya nasa Los Angeles, California USA si Sam Milby ay para sa acting classes niya kay Yvana Chubbuck na aabutin hanggang Marso.

Ang alam namin ay magbabakasyon ang aktor bukod pa sa may dadaluhang event at kuwento nga ng manager niyang si Erickson Raymundo na kasamang umalis ni Sam noong Pebrero 1 ay, ”nandoon na rin siya sa LA, might as well kumuha na rin siya ng acting workshop.”

Hindi naman nabanggit pa ng manager ni Sam kung hanggang kailan doon ang aktor dahil may business trip din daw ito Roon.

Samantala, nagkita pala sina Sam at special friend niyang si Marie Digby sa LA dahil nanood ng gig ang aktor kasama ang ibang kaibigan.

Nagkatsikahan daw ang dalawa at wala namang alam na si Erick kung tungkol saan, basta sabi lang sa amin, ”on tour si Marie kaya busy din.”

Hindi lang namin natanong kung noong Pebrero 14 nagkita sina Sam at Marie dahil base sa post ng international singer sa kanyang IG ay may caption na, ”see you” pero hindi binanggit kung sino.

Sa Los Angeles din naka-base si Marie, hindi lang namin knows kung mapapadalas ang pagkikita nila ni Sam na pakiwari namin ay magtatagal pa ito sa nasabing bansa.

Sa kabilang banda, sa pagbalik ni Sam ay kaagad na niyang tatapusin ang pelikula nila ni Coleen Garcia na Ex with Benefits mula sa Star Cinema.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …