Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niño, isasalin na ang titulong Child Wonder sa anak na si Alonzo

ni Roldan Castro

Niño alonzo Muhlach

READY na si Niño Muhlach na isalin ang kanyang title bilang Child Wonder sa bunsong anak na si Alonzo Muhlach. Hawig na hawig si Alonzo ni Onin at havey din sa acting, pagkanta, at pagsayaw.

Nagpakitang gilas si Alonzo sa mga pelikulang nagawa niya gaya ng My Big Bossing kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon. Napanood din siya sa mga pelikulang The Trial at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Ilang beses na ring napanood si Alonzo sa telebisyon at nitong huli ay sa Goin’ Bulilit.

Napansin na rin siya ng Viva at pinapirma ng five-year management contract sa ilalim ng Viva Artist Agency habang co-managed din siya ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo. Ginanap ang contract signing noong Pebrero 17 sa Music Hall sa Metrowalk Pasig, na nakasama ni Alonzo ang mga magulang niya at ang isa sa mga executive ng Viva na si Veronique del Rosario.

Proud father si Nino sa kanyang anak at sey niya magandang gifts ang pagpirma nila sa Viva para sa 5th birthday ni Alonzo. May party siya na ginanap sa Mowelfund kahapon.

“I want to give gifts and toys to the children of the soldiers,” bulalas ni Alonzo para daw sa anak ng mga namatay na PNP-SAF commandos sa Mamasapano .

Tinanong si Alonzo kung ang pakiramdam niya ay sikat na siya?

“Yes. But I’m not mayabang,” bulalas niya.

Nakaplanong gawin ni Alonzo ang remake ng mga pelikula ni Onin gaya ngKuwatog, Butsoy, Nognog, Darna, at Ding, Enteng Anting at iba pa.

Sa telebisyon naman ay mapapanood si Alonzo sa upcoming shows ng ABS-CBN, ang Inday Bote kasama sina Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli, atWansapanataym Presents Yamishita’s Treasures kasama sina Coco Martin atJulia Montes.

Pak!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …