Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MR sa DQ reso pabor kay Erap inihain ng Atty ni Lim

ErapNAGHARAP ng motion for reconsideration (MR) ang abogado ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim kung saan hinihiling nito sa Korte Suprema na baguhin ang desisyon nitong pag-dismiss sa disqualification case ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Si Lim ay intervenor sa disqualification case na isinampa kay Estrada ng abogadang si Alicia Risos-Vidal.

Sa isang 43-pahinang MR, tatlong basehan ang binanggit ni dating Manila legal officer Atty. Renato dela Cruz, na sa kabila ng pardon na ibinigay ni dating Pangulong Gloria Arroyo kay Estrada, ito ay nananatiling diskwalipikado upang bumoto at maiboto; na ang polisiya at pagsisikap ng gobyerno at kagustuhan ng sambayanan na tapusin na ang pagkakatapon ng pera ng bayan sa pamamagitan ng pandarambong at tiwaling serbiso-publiko ay mababale-wala kung hindi babaguhin ng SC ang desisyon nito; at mawawalang-saysay ang international commitment ng Pilipinas sa paglaban sa katiwalian, kasama ang daang bansa na nagsama-sama upang mawala ang corruption.

Binanggit ni Dela Cruz ang ilang kaso sa nakaraan kung saan binaligtad din ng SC and desisyon nito, kabilang na ang kontrobersyal na kaso ng ‘League of Cities of the Philippines vs Comelec’ kung saan tatlong beses nitong binago ang desisyon nito.

Sa isa pang kaso na binaligtad ang desisyon, sinabi umano ni Hon. Roberto Abad sa kanyang concurring opinion na walang maaring kumwestiyon sa karapatan ng isang huwes na magbago ng isip, na tao rin ang mga ito na maaring magkamali at patas at tama lang na baguhin nila ang pagkakamali sa harap ng isang motion for reconsideration.

Ani Dela Cruz, hindi tukoy sa pardon ang ‘political rights’ na sinasabing ibinalik kay Estrada kaya’t ito ay bukas sa maraming interpretasyon.

Maliwanag umano sa Articles 36 at 41 ng Revised Penal Code na ang karapatan para bumoto at tumakbo ay dapat na ‘expressly restored’ o maliwanag na nakasaad. Hindi rin umano ito maituturing na ‘unconstitutional’ o binabawasan ang kapangyarihan ng executive clemency ng Pangulo.

Aniya, pinapayagan ng naturang mga probisyon ang Pangulo na ilagay sa pardon kung nais nitong ibalik ang karapatang bumoto at maiboto at kung gusto rin nitong alisin ang anumang parusa ay maari din nitong banggitin sa pardon dahil ang buong desisyon ay nasa kanyang kapangyarihan.

Sa kaso umano ni Romeo Jalosjos na nahatulan din para sa dalawang kaso ng statutory rape at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo na may kaakibat na parusang ‘perpetual absolute disqualification’, ito ay nanatiling diskwalipikadong tumakbo bilang alkalde sa Zamboanga kahit pa pinagdusahan na ang kanyang pinaikling sentensiya dahil hindi maliwanag na isinaad sa kanyang order of commutation ang pag-alis sa kanyang perpetual disqualification.

Binanggit din ni Dela Cruz ang lumalawig na sentimiyento sa iba’t ibang media at fora upang muling pag-aralan ng SC ang naging desisyon nito, hindi lamang dahil sa halaga ng karakter ng pardon at epekto nito sa RPC provisions kungdi ang mas mahalagang interpretasyon ng batas na pumabor sa isang ex-convict na kinukuwestiyon ang pananatili sa kapangyarihan matapos mahatulan.

Sinabi umano ni Law Dean Prof. Mel Sta. Maria sa isang TV commentary na ang desisyon sa pagiging malabo ng ‘wordings’ ng pardon ay dapat na pumabor sa People of the Philippines  na siyang nagharap ng kaso at matagumpay na napatunayang nakagawa nga ng krimen ang dating serbisyo publiko habang nasa mataas na posisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iligal na yaman. Dapat umano ay naging pabor sa ‘conditional pardon’ ang desisyon, ani Dela Cruz.

Maging ang batikang foreign journalist Peter Wallace, ayon kay Dela Cruz, ay nagsabi na ang pardon ay maituturing na ibinigay dahil pumayag si Estrada na huwag nang tumakbo ulit.

“Every human being is not only a legal construct.  He is also a moral one and the High Court should have an equal eye on moral reasons for every decision it makes.  For the sake of society’s future, it should reconsider,” pahayag ni Wallace.

Ang United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) naman kung saan ang Pilipinas ay signatory, ay mahigpit na laban sa corruption at inoobliga nito ang mga kasamang partido na pigilan at parusahan ang corruption sa kanilang nasasakupan.

Ani Dela Cruz, magmimistulang walang paninindigan ang bansa sa mata ng  international community pagdating sa polisiya nito laban sa corruption, dahil habang ang mga lider ng ibang bansa ay di na pinauupo sa gobyerno ang mga napapatunayang tiwali, walang ganoon sa Pilipinas.

Sa ilalim ng UNCAC, bawat state party umano ay kailangang magtakda ng regulasyon pagdating sa kandidatura at eleksyon at pagdiskwalipika sa mga taong nahatulan sa katiwalian, upang ang mga ito ay hindi na makahawak pa ng posisyon sa gobyerno.

HNT

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …