Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kyla, aminadong na-starstruck sa mga taga-ASAP (Gustong maka-duet si Sarah Geronimo)

022315 kyla sarah g

00 Alam mo na NonieISA si Kyla sa nominado sa MYX Music Awards 2015 na gaganapin sa March 25, 2015 sa SM Aura Premier’s Samsung Hall.

Nominado siya sa apat na kategorya. Una ay sa Favorite Female Artist at kabilang sa co-nominees ni Kyla rito sina Julie Anne San Jose, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, at Yeng Constantino. Ang isa pa ay sa Favorite Music Video para sa kanta niyang Dito Na Lang. Kasama rito ni Kyla sina Abra at Julie Anne San Jose (Dedma), Yeng Constantino (Ikaw), Gloc 9 featuring Regine Velasquez (Takipsilim) at Sarah Geronimo (Tayo).

Kabilang pa rito ang Favorite Mellow Video para sa kantang Dito Na Lang na co-nominees niya rito sina James Reid at Nadine Lustre (Bahala Na), Yeng Constantino (Ikaw), Julie Anne San Jose (Right Where You Belong), at Daniel Padilla (Simpleng Tulad Mo).

Para naman sa Favorite Song, pasok ulit ang kanta ni Kyla na Dito na Lang. Ang iba pang nominees ay sina KZ Tandingan (Mahal Ko O Mahal Ako), James Reid at Nadine Lustre (No Erase), Daniel Padilla (Simpleng Tulad Mo), at Toni Gonzaga (This Love Is Like).

Nabanggit ni Kyla na masaya siya sa pagiging parte ng 20th anniversary celebration ng ASAP na ginanap kahapon, February 22. Pero hindi siya makapagbigay ng diretsong sagot kung magiging regular na siya sa ASAP.

“Tignan po natin, siguro po,” nakangiting saad niya. “Makikita po natin iyan in the next few weeks,” nakatawang dagdag pa niya.

Nasabi rin ni Kyla na excited siyang makatrabaho ang kanyang mga idolo.”Sobra-sobrang excitement at sobra-sobrang kaba rin,” nakangiting pahayag niya.

“Siyempre I’m always excited although nakakatrabaho ko naman na sila all the time. Pero hindi maaalis sa akin kasi, I really look up to them. Hindi maalis yung kilig ko, yung excitement ko na makakasama ko ulit sila in a show, in a TV show,” pahabol pa ng R&B Princess.

Sino ang gusto mong maka-duet sa ASAP? “Honestly, siguro ay si Sarah (Geronimo). Kasi, I see her ano… mga performances and she also does yung mga R&B sometimes. ‘Tapos feeling ko ay mahahawa ako sa kanyang passion. Kasi like, when she performs, talagang may mga dance-dance.”

Sinabi rin ni Kyla na na-starstruck siya sa mga taga-ASAP. “Opo, hindi po maaalis ‘yun, kasi talaga namang even before I started in showbusiness, I really look-up to Gary V. and Martin Nievera.

“Although I have performed with them so many times already, pero hindi maaalis yun e,’ di ba? Iyong admiration for them, andoon lang siya parati.”
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …