ni Alex Brosas
LUMALAKI na ang kontrobersiya about Xian Lim’s pambabastos sa tourism officials of Albay.
Ang latest chika, humihiling ang mga taga-Albay na patawan ng persona non-grata si Xian dahil sa pag-refuse nito na suotin ang isang T-shirt, tanggapin ang coffee table book, at isnabin ang ilang officials at fans sa Albay.
Nagpakumbaba na si Xian at nag-sorry na kay Governor Joey Salceda but the latter was adamant in not accepting his apology.
“Ordinary staff ng PTCAO ang ininsulto at hiniya ni Xian Lim. Together with ordinary Albayanos, they are the ones who work hard, silently and patiently for Albay tourism. And based on the prevarications on his posts, he is not getting it. 1. Hindi namin ipinapasuot ang Tshirt sa guests. Binibigay lang 2. The mere fact that coffee book table is called Warm Albay and the tshirt is Warm Albay should already be obvious that these are typical touristic materials. the PTCAO incident morally approximates the cruelty and brutality in Maguindanao, and what’s worse we did not pay the MILF P350,000 to do it and we expected something better from him since he is not a terrorist, instead an artist. No forgiveness deserved,” post ni Governor Salceda sa Facebook.
Well, hindi naman malaking kawalan siguro kay Xian kung mabigyan man siya ng persona non-grata sa Albay.
Naloloka lang kami, kapag mayroong nababalitaang celebrity na nambastos sa isang probinsiya ay kaagad siyang pinapatawan ng persona non-grata.
We feel na okay naman ‘yon pero ang sa amin lang, hindi ba’t mas dapat bigyan ng persona non-grata ang mga tao sa gobyerno na sangkot sa mga corruption issue?
Bakit kapag mayroong nasasangkot na government official na taga-probinsiya, kaagad bang hinihiling na bigyan sila ng persona non-grata sanction? Hindi naman, ‘di ba?
Parang exclusive lang itong persona non-grata na ito sa celebrities na umano’y nambabastos sa mga public official sa mga probinsiya.