Sunday , December 22 2024

1 week protest vs PNoy nagsimula na

071214 pnoyNAGSIMULA na kahapon ang isang linggong pagtitipon ng iba’t ibang grupong nananawagan sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III.

Bandang 12 p.m. nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups, sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound.

Ito’y makaraan mabigo ang grupong magdaos ng programa sa entablado ng EDSA Shrine dahil maagap itong binakuran ng hilera ng plastic barriers at pinuwestuhan ng mga pulis at sundalo mula EPD, Army at BJMP.

Layon ng pagtitipon na ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ni Aquino para maitayo ang People’s Transition Government na maaaring pamunuan ng punong mahistrado hanggang matapos ang 2016 polls.

Sa panayam kay Leon Peralta, tumatayong political and alliance affairs head ng koalisyon, nais nilang “iparinig sa pamahalaan na gusto na po namin ng isang system change … palitan po ang lahat ng baluktot at maling sistema sa ating bansa at magkaroon ng moral recovery program.”

Bago ang programa, isang misa ang idinaos at dinaluhan ng mga opisyal ng koalisyon kabilang ang mismong tiyuhin ni Aquino na si Peping Cojuangco.

Bago mag-7 a.m. nang unang nagdaos ng motorcade ang Movement Against Dynasties (MAD), People’s Transition Council, Citizens Crime Watch at iba pang grupong kaisa sa panawagan ng 2.22.15 Coalition, mula sa Makati, Quirino Avenue, Taft Avenue, Quiapo hanggang sa EDSA Shrine.

Tanghali nang dumating sa EDSA-Ortigas flyover ang grupong Sanlakas. Ilan sa mga nakikita sa protesta ay naka-pulang T-shirt habang ang iba’y may tatak ng mukha nina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino at may katagang ‘Anak, bakit ka nagkaganyan?’.

Ayon sa grupo, makaraan ang programa magsasagawa sila ng prayer vigil hanggang sa Pebrero 28 para sa kanilang panawagan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *