MAKARARANAS ng init sa Luzon at Visayas dahil sa nagbabadyang 2-hour rotating brownout bukod sa napipintong taas-singil sa koryente.
Inihayag ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla, posibleng mangyari ito sa summer dahil ang buwan ng Marso at Abril ang itinuturing na critical months.
Bagama’t target nila ang best case scenario na zero brownout sa summer ay hindi maiiwasang magkakaroon ng worst case scenario na magka-brownout.
“Worst case naman natin kung nagbagsakan ang mga planta kasi mga luma na at tuwing summer talagang kumokonsumo tayo nang maraming koryente, worst case scenario na e baka meron tayong two hours na rotating brownout. Pero hindi everyday ‘yan, pasulpot-sulpot depende kung anong planta ang bumagsak,” pahayag ni Petilla.
Aniya, magiging apektado rito ang Luzon at Visaya habang iba ang situwasyon sa Mindanao dahil hindi ito nakakonekta sa grid.
ni JAJA GARCIA