ni Alex Brosas
NAGMUKHANG kontrabida ang mga magulang ni Heart Evangelista nang mag-isang maglakad ang dalaga sa kasal niya kay senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club last Sunday.
Suot ang Grace Kelly-inspired wedding gown made Pinoy designer Ezra Santos, halos maiyak ang bisita niya nang basahin ng pinsan ni Heart na si Happy Ongpauco ang message ng ama ng aktres: ”If the time comes that we see that you and Chiz are happy and if I see him loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking at your door.”
Ang daming naasar sa mga magulang ni Heart nang hindi sila dumalo sa kasal ng anak nila.
“I expected nga na the parents would surprise her by their appearance sa wedding but waley. Tsk tsk. Wawa heart.”
“What the?!?! Wow I really feel @iamhearte pain..her parents are just!!!! They should’ve swallowed there pride & been there at the wedding!!!! Congrats to the newlyweds!!”
“Parents should have been there on her happiest day!!it doesn’t matter if your mad !!Dad should have been there to walk her daughter down the aisle it something you can never come back too or do over !!I’m so sad for her !!she was trying so hard !!that’s just mean !!”
“nangibabaw pagka chinese ng mga magulang nya!” sad and sorry to say for this!! minsan lang ang kasal at walang take two na parang sa pelikula’ ‘you deserve to be happy @iamhaerte focus kana lang sa panibagong buhay na pinasok mo’ ganun pa man marami parin ang nagmamahal sayo.. BEST WISHES!! :)”
Marami ang naawa sa kalagayan ni Heart, marami ang nakisimpatya sa kanya. Easily, nagmukha talagang kontrabida ang parents niya na kung ituring ng mga tao sa social media ay walang puso, walang kaluluwa. Bakit daw natiis nila na hindi makita ang dalaga sa pinakaimportanteng araw sa kanyang buhay.