Sunday , December 22 2024

Apo ni Abalos, kaibigan pinatay ng dyowa

FRONTNATAGPUANG patay ang dalawang babae sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Kapwa ginilitan ang mga biktimang sina Ely Rose Abalos at Princess Ellaine Costales, parehong estudyante.

Kinompirma ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na si Ely Rose ay apo ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos.

Dating kasintahan ni Ely Rose ang suspek na si Blessed John Albano. 

Ayon kay Pamintuan, nabatid na bumisita sa bahay ng mga biktima ang suspek na ilang beses namataang bumibili ng alak bago ang krimen. 

“Ang nakita nilang motibo talaga is crime of passion… Noong mga alas-2:00 o alas-2:30 ng madaling araw (Biyernes), may tumawag na apparently, allegedly boyfriend nitong babae (Abalos)… Sa imbestigasyon nila parang nagalit yata si lalaki (Albano).”

Sa ikalawang palapag ng bahay nagpang-abot ang suspek at si Abalos na nakatakbo pa pababa sa unang palapag. 

Sinubukang tulungan ni Costales ang kaibigan ngunit nadamay siya sa galit ng suspek. 

Agad natunton si Albano na umamin sa krimen at ngayon ay nakapiit na sa Angeles City Police Station.

Nahaharap ang suspek sa two counts ng murder. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *