Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serial holdaper/rapist todas sa pag-agaw ng baril

112514 deadPATAY makaraan mang-agaw ng baril ang suspek sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa walong establisimento sa Quezon City at pagpatay sa isang Koreana. 

Pasado 11 p.m. nitong Lunes, katatapos lang ng ikatlong inquest proceedings sa mga kaso laban sa suspek na si Mark Soque nang bigla niyang agawin ang baril ng lady cop na si PO3 Juvy Jumuad, isa sa mga escort niya sa loob ng fiscal’s office.

Dalawang putok ang narinig at muntik pang tumama ang una kay Jumuad. 

Tinamaan ng bala si Soque sa baba na agad niyang ikinamatay.

Walang ibang nadamay dahil walang tao noon sa piskalya.

Hinala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, CIDU chief, nawala sa katinuan ang suspek lalo’t wala na siyang kawala sa mga kasong kinahaharap niya.

Matatandaan, sa mga pag-atake ni Soque sa iba’t ibang business establishments, pinaghuhubad at iginagapos ang mga biktima habang napatay niya ang Koreana na si Mi Kyu Park, at dalawang biktima ang kanyang hinalay.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isa pang suspek na sinasabing kasama ni Soque sa pagsasagawa ng krimen.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …