ni Alex Datu
NAGSIMULA nang napapanood ang TV commercial ng ABS-CBN TV Plus na ang endorser ay si Sarah Geronimo. Inaamin namin na isa kami sa sobrang natuwa nang ilunsad noong February 11 ang tinatawag na Mahiwagang Black Box na naririnig naming araw-araw na programa ni Ted Failon sa DZMM dahil pagkatapos ng limang taong paghihintay ay narito na.
Masuwerte ang singer/actress sa pagkapili sa kanya na maging endorser ng Philippine TV’s newest and biggest innovation. Ginanap ang ceremonial switch-on para sa opisyal na paglunsad ng produkto noong Miyerkoles, Febraury 11 sa ABS-CBN Center Road na dinaluhan ng ABS-CBN Chairman na si Eugenio Lopez III at CEO na si Charo Santos- Concio, Carlo Katigbak, at ABS-CBN Broadcast head na si Cory Vidanes.
Sa ginawang presscon sa 14th Floor ng ELJ Building pagkatapos ng switch-on ceremony ay napag-alaman na tapos na ang pagtitiis sa panonood sa malabong TV screen dahil ngayong ay mapapanood na ninyo ang mga paboritong programa ng mas malinaw dahil digital na ito. Kung maka-avail ka na nito, magkakaroon ka ng karagdadagan libreng channels dahil maliban sa DZMM TeleRadyo na tiyak kalulugdan ng buong pamilya ang Cinemo, Yey!, at Knowledge. Lahat ng mga ito ay makukuha sa halagang P2,500 at wala itong monthly fee o installation fee. This is available sa TV Plus Agents, major appliance, electronic at hardware stores.