Hatid ng ABS-CBN TVplus o mas kilala bilang “mahiwagang black box” ang napakalinaw na palabas na katulad sa panonood ng pelikula sa DVD, malayo sa signal at ordinaryong antenna ng analog TV na nakasanayan ng mga Pinoy sa matagal na panahon. Sa press launch at ce-remonial switch-on nitong February 11 ng na-sabing ABS-CBN Digital TV service na ginanap sa Center Road ng network hosted by Robi Do-mingo, dinaluhan ng bigwigs at ilang top executive na kinabibilangan nina ABS-CBN Chairman Gabby Lopez III, President and CEO Ma’am Charo Santos-Concio, Leo Katigbak at ABS-CBN broadcast head na si Ma’am Cory Vidanes. Pinagkaguluhan agad ng daan-daang Kapamilya na dumalo sa event ang ABS-CBN TVplus na sobrang maa-afford ng masa sa halagang P2,500 at one-time payment (wala nang monthly fee) ay magkakaroon na ng isang set ng mahiwagang black box, na tiyak na mae-enjoy nang buong pamilya at buong barangay. Sa ngayon sa bawat pagbili ng ABS-CBN TVplus may libre kayong ABS-CBN mobile prepaid sim card na may P50 load na maaaring gamitin pan-text, tawag, pang-surf sa internet o panonood ng paboritong Kapamilya programs sa pamamagitan ng iWanTV app. Sulit na sulit rin ang pagbili nito dahil maaaring ikabit ang mahiwagang black box sa kahit anong klase o model ng TV – luma man o bago – at siguradong makakukuha ng malinaw na palabas. Mas maraming channels na rin ang maaaring pagpilian ng pamilya dahil bukod sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action, kalapit ang apat na libreng digital TV channels na eksklusibong makukuha lang kapag binili at ikinabit sa TV ang ABS-CBN TVplus. Kabilang na rito ang CineMo, ang kauna-unahang all-day movie channel sa free digital TV, tampok ang blockbuster na comedy at action movies nina Fernando Poe Jr., Dolphy at iba pang paboritong idol ng mga Pinoy. Hindi rin mahuhuli ang mga bata sa channel na Yey! na ipinalalabas ang mga sikat at Tagalized na pambatang cartoons at anime na hindi lamang kakatuwaan kundi kapupulutan din ng aral. Nariyan din ang Know-ledge Channel, ang nag-iisang curriculum-based channel sa TV na hatid ang mga programang pasado sa Department of Education at kaakibat sa pag-aaral ng mga batang Pinoy, na nasa elementarya at high school. Isa pang offering ng nasabing digital box ang DZMM TeleRadyo, ang TV channel ng nangungunang AM radio station sa bansa na DZMM Radyo Patrol Sais Trenta hatid ang pinakamaiinit na balita at komentaryo. Sa lahat ng mga interesadong bumili, bisitahin lang ang ABS-CBN Store, ABS-CBNmobile Store, SM Appliance Centers, 2Go Express, Solid Service Center(Sony Authorized Service Channel), Vilman, Silicon Valley at iba pang eletronic, appliance, at hardware stores. Mabibili rin ito sa mga authorized ABS-CBN TVplus sales agent na mag-iikot-ikot sa mga kabahayan. Maaari rin bisitahin ang www.abs-cbnstore.com, o tumawag sa (632) 488-8888 at 1800-10-4888888(para sa mga lugar sa labas ng Metro Manila), o mag-text sa 23661. Ihahatid mismo sa bahay ang box ng LBC at 2GO na walang kaukulang bayad sa kahit saang area na may digital coverage. Ang ABS-CBN TVplus ay matagal nang project ni Sir Gabby Lopez, nagagalak siya at natupad na ang kanyang pangarap para sa bawat pamilyang Filipino lalo sa maliliit nating kababayan.
ni Peter Ledesma