ni Roldan Castro
TULUYANG nagpapagaling na ang Master Showman na si Kuya Germs sa pagkakaroon ng mild stroke dahil noong February 11 ay nanood siya sa concert ni Michael Pangilinan sa Teatrino. Noong Februarry 13 naman ay nag-live phone patch din siya sa kanyang radio program sa DZBB . Bagamat dahan-dahan ang kanyang pananalita ay naiparating niya sa publiko ang mga gusto niyang sabihin.
Sinabi ni Kuya Germs na kaunting panahon na lang ang paghihintay natin at muli siyang mapakikinggan sa radio at mapapanood sa Walang Tulugan. Aminado siyang nami-miss na niya ang magtrabaho. Sa ngayon ay nasa masusing therapy si Kuya Germs.