ni Rommel Placente
NAKATUTUWA naman itong si Vice Ganda. Kahit sobrang busy kasi siya ay nagawa pa rin niyang pagbigyan ang kahilingan ni Jam Sebastian ng JaMich na dalawin niya ito sa hosptalna naka-confine ang bagets dahil sa lung cancer na nasa stage 4 na.
Paboritong artista ni Jam si Vice. Lahat ng show at pelikula ng komedyante ay kanyang pinanonood. Nag-wish siya na sana ay madalaw siya sa hospital ng kanyang idolo na nang makarating ‘yun kay Vice ay talagang naglaan siya ng oras para madalaw si Jam. Kaya sobrang touched si Jam sa pagbibigay importansiya sa kanya ni Vice, mas lalo niya tuloy itong hinangaan.
Speaking of Jam, nag-text pala siya sa kanyang mommy Maricar at kuya Yexel na i-mercy killing na lang siya kasi nahihirapan na raw siya. Pero ayon sa kanyang ina, hindi raw nila ‘yun gagawin, hindi pa rin daw sila susuko. Umaasa pa rin daw sila na may miracle na mangyayari kay Jam, na gagaling pa rin ito sa tulong ng nasa Itaas.