Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ER Ejercito, gagawing pelikula ang Fallen 44

120214 ER ejercito

00 Alam mo na NoniePINAHAYAG ni dating Laguna Governor ER Ejercito ang plano niyang isa-pelikula ng kagitingan ng mga bayaning miyembro ng Special Action Forces (SAF) na na-patay sa enkuwento kontra MILF sa Mamasapano, Ma-guindanao noong January 25.

Ang mga naturang SAF members na kilala rin ngayon bilang Fallen 44 ay nasawi dahil sa misyon nilang pagdakip sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Ang pag-anunsiyo sa pagagawa ng buhay ng Fallen 44 ay ginawa ni ER sa pamama-gitan ng kanyang Facebook account nang dalawang posters ng naturang proyekto ang kanyang nai-post dito.

Although tentative pa lang ito, nakalagay sa poster ang ti-tulo ng pelikula bilang SAF-Special Action

Force, Para sa Diyos, Para sa Bayan, Para sa Tao. Naka-lagay din sa poster na si Direk Pedring Lopez ang mamamahala sa naturang pelikula.

Ang producers nito ay ang VIVA Films at Scenema Concept International.

Nakalagay din sa poster ang mga salitang: “Bilang pagpupugay natin sa 44 bayani ng Elite PNP-SAF officers na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano clash, isasapelikula ng inyong lingkod ang makulay na buhay at kabayanihan ng ating mga magigiting na sundalo upang mabigyan ng tamang pagkilala at pagpupugay ang #Fallen44.”

Sinalubong naman ito ng netizens ng sari-saring komento, May mga pabor at mayroong kontra. Subalit para sa amin, kung gagawin ito ng base talaga sa tunay na pangyayari, mas maliliwanagan ang lahat sa na-ging kaganapan sa Mamasapano at sa kabayanihan ng SAF 44. Mula nang naging aktibo si ER sa paggawa ng pelikula ay maraming acting trophies na ang kanyang nakolekta.

Kabilang sa mga pelikulang ito ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, El Pre-sidente, Boy Golden, at Magnum Muslim .357
ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …