Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DQ vs ER Ejercito isinapinal na ng SC

PINAL na ang desisyon ng Korte Suprema na nagdi-disqualify kay Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna. 

Ito’y makaraan ibasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni Ejercito noong Nob-yembre 25, 2014. 

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, walang bagong argumentong iprinesenta ang kampo ni Ejercito para gamiting batayan sa hi-nihingi niyang pagbaligtad sa naunang desisyon. 

Nobyembre noong nakalipas na taon nang maglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) sa botong 12-0 na pabor sa diskwali-pikasyon ng Commission on Election (Comelec) kay Ejercito dahil sa sobrang paggastos sa halalan. 

Lumabas na gumastos si Ejercito nang hindi bababa sa P6 milyon para lang sa television advertisement. 

Nilabag niya ang panuntunan ng Comelec na hindi dapat sosobra sa P4.5 milyon ang gastusin ng isang local candidate sa isang halalan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …