NAKITA namin ang latest photo ni Anjanette Abayari, na naka-post sa Facebook account ng lady entertainment editor ng leading tabloid at publicist ng Viva na si Ms. Salve Asis. Sa nasa-bing larawan ay kasama ni Anjanette ang da-ting boss sa Viva na si Vic del Rosario at kuha ito nang dumalaw kamaka-ilan ang dating sexy actress sa opisina ni Boss Vic sa Tektite Building sa Ortigas.
Ayon pa sa caption ni Salve nang mag-post siya ng nasabing larawan ni Abayari ay gusto raw magbalik showbiz ng former Viva star lalo na kung may maganda namang offer sa kanya. Dahil okey pa naman ang dating niya ay siguradong si Boss Vic, ang unang magbibigay ng project dito. Nakatutuwa namang malaman na nakabalik na ng Pinas si Anjanette, ibig sabihin ay na-lift na siguro ang banned sa kanya noon ni dating Pangulong Erap Estrada dahil sa kasong droga sa bansang Guam.
We’ll wish her luck gyud!
ni Peter Ledesma