ni Rommel Placente
NASA ibang bansa na si Aldred Gathalian kasama ang kanyang buong pamilya. Nag-decide silang doon na lang tumira at doon na rin hanapin ni Aldred ang kanyang kapalaran.
Dito kasi sa ‘Pinas, wala namang nangyayari sa kanyang career, hindi siya nabibigyan ng pansin ng ABS-CBN 2, hindi siya nabibigyan ng proyekto,
Naging malapit sa amin si Aldred, in fact ilang beses na rin siyang dumalo sa aming kaarawan. Kaya nalulungkot kami na hindi na namin siya makikita.
Anyway, goodluck kay Aldred, sana ay maging matagumpay siya sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.