Wala pang deal sa Pacquiao fight — Mayweather (Laban sa Mayo tiniyak)
hataw tabloid
February 17, 2015
News
NEW YORK – Itinanggi ni Floyd Mayweather Jr. na pinirmahan na niya ang kontrata para sa laban kay Manny Pacquiao sa Mayo 2.
Ginawa ni Mayweather ang pahayag habang siya ay dumadalo sa NBA All-star game 2015 edition sa Madison Square Garden sa New York.
Una rito, bumandera sa buong mundo ang impormasyon kamakalawa na selyado na ang $250 million dollar fight na pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng boksing.
Ayon kay Mayweather, pawang espekulasyon lamang ang naturang impormasyon at mga tsismis.
Ngunit tiniyak ni Mayweather, itaga raw sa bato ang kanyang pangako dahil mangyayari ta-laga sa Mayo ang pinakakaabangang laban ng buong mundo.
“That’s not true. I haven’t signed yet and he hasn’t signed yet. It’s just been speculations and rumors. But hopefully we can make the fight happen,” pahayag ng pound-for-pound king sa TNT.
Bago ito, itinanggi rin ng Showtime Sports na naayos na ang deal sa laban.
Sinabi ni Showtime vice president Stephen Espinoza, wala pang kontrata na pinipirmahan ang dalawang boksingero.
Dagdag niya, patuloy pa rin inaasikaso ang negosasyon hanggang ngayon.
“Not sure what anyone is signing since no agreement has been finalized yet. An imaginary contract maybe. Real one not finished yet, sorry for telling the truth,” ani Espinoza.
Ang Showtime at HBO ni Pacquiao ang si-yang sabay na mag-eere ng pay-per-view sa natu-rang laban.
Samantala, hindi napigilang magmura ng maraming fans sa sobrang pagkadesmaya na hanggang ngayon ay wala pang pormal na anunsyo si Floyd Jr.
Maraming boxing fans kasi ang nag-abang din sa ginanap na NBA All-Star game.
Bumaha ng mga negatibong komentaryo mula sa boxing fans ang nagiging takbo ng negosasyon dahil pinapaasa aniya sila.
Tinawag din ng fans ng masasakit na salita si Mayweather.
Kung maaalala, bago ang Superbowl game ay marami ang nag-abang din kay Mayweather ngunit walang nangyaring anunsiyo mula sa kanyang panig.