Sunday , December 22 2024

Pari, Santo Olio ibinawal ni Garin sa MERS-CoV patients

anointing of the sickWALANG ‘anointing of the sick’ sa mga biktima ng MERs-COV.

Ito ang babala ni Acting Health Secretary Janet Garin at pinayuhan ang mga pari na iwasan magbigay ng sakramentong ito upang makaiwas na mahawa ng virus.

“Ministering of the sick requires them to face and make direct contact with the patient, they are strictly prohibited from doing it for the meantime, to avoid contamination and possibly infecting parishioners,” pahayag ni Garin.

Ang pahayag ni Garin ay makaraan makatanggap ng report na humiling ng pari ang pamilya ng Filipina nurse na nagpositibo sa MERs COV bago naidala sa RITM mula sa Evangelista Hospital sa Pacita, San Pedro, Laguna kung saan siya unang na-confine.

Hindi nakompirma ng DoH kung naisagawa ang pagbisita ng pari sa pasyente.

Upang maiwasan na ang ganitong sitwasyon sa hinaharap ay nagpalabas na ng advisory ang ahensya.

Ang ‘anointing of the sick’ ay sakramentong ibinibigay sa mga Katoliko na may matinding karamdaman at mga nasa bingit ng kamatayan.

Leonard Basilio

Kaso ng MERS-COV posibleng tumaas (Babala ng DoH)

POSIBLENG tumaas pa ang bilang ng kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona virus (MERS-CoV) sa bansa, ayon sa Department of Health (DoH).

Sinabi ni acting Sec. Janette Garin, noong 2014 ay sumipa ang bilang ng nahawa ng MERS-CoV sa pagitan ng Pebrero at Abril.

Aniya, dahil sa Semana Santa at pagtatapos ng klase ay inaasahan na nila ang pag-uwi ng maraming Filipino workers mula sa Middle East na maaaring carrier ng sakit.

Gayonman, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa iba’t ibang sangay ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat nito.

Kadalasan aniyang nahahawa sa MERS-Cov ang mga naninigarilyo o umiinom ng alkohol maging ang may diabetes at sakit sa bato.

Pakiusap ni Garin sa publiko, makipagtulungan at magpakonsulta sakaling makaramdam ng sintomas ng sakit tulad ng diarrhea, lagnat, at asthma.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *