Sunday , December 22 2024

P.2-M reward vs killer ng brodkaster

maurito limCEBU CITY – Naglaan ang Bohol provincial government at LGU-Tagbilaran City ng reward money sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa gunman na pumatay sa isang brodkaster nitong umaga ng Sabado.

Si Bohol Gov. Edgar Chatto ay nagpalabas ng P100,000 habang P50,000 mula sa city officials at may private sector na magbibigay para sa karagdagang halaga.

Layunin ng pagbibigay ng reward money na maging mabilis ang takbo ng imbestigasyon at pagresolba ng kaso sa pagpatay kay Engr. Maurito Lim ng DYRD-AM station.

Sa ngayon, tanging CCTV footage at empty shells ang hinawakang ebidensiya ng pulisya.

Ang video mula sa CCTV ng katabing establisimento ay bahagyang malabo at naka-sideview ang salarin.

Sinabi ni Col. Pacito Yape Jr., BPPO information officer, kanilang pinag-aaralan ang personal background ng biktima.

Kabilang dito ang land dispute case, isyu sa reckless driving na nakasagasa siya ng isang pedestrian nang nagmamanehong lasing, at may pending criminal case siya sa korte.

Una rito, binaril si Engr. Lim sa harap ng station at idineklarang patay pasado 1 p.m. kahapon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *