Sunday , December 22 2024

Binay sa destab plot bineberipika ng Palasyo

BinayBINEBERIPIKA ng Palasyo ang ulat na kasali si Vice President Jejomar Binay sa mga pagkilos para patalsikin si Pangulong Benigno Aquino III, at kabilang ang Bise Presidente sa bubuo sa transitional council na ipapalit sakaling magtagumpay ang oust Aquino movement.

”Kailangang beripikahin kung kinokompirma ng panig ni VP ang nakasaad sa balita,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ang pahayag ni Coloma ay bilang tugon sa ulat na lumahok na ang teachers’ groups na Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Congress of Teachers/Educators for National Democracy (Contend) sa mga pangkat na nananawagan sa pagpapatalsik kay Pangulong Aquino.

Inirerekomanda nila ang pagbubuo ng transitional council na papalit kapag natanggal na sa poder ang administrasyong Aquino na bubuuin ng mga nagmula sa malawak na kilusan na nagmobilisa at naggigiit ng pagpapatalsik kay Pangulong Aquino.   

“Binay (Vice President Jejomar Binay) may be part of this, but he will not be allowed to lead it to ensure that there will be check and balance,” ayon kay Contend chairman Dr. Jerry Lanuza.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *