Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babala ni Duterte minaliit ng Palasyo

duterteMINALIIT ng Malacañang ang babala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat umaksiyon agad si Pangulong Benigno Aquino III para pigilan ang inaasahang kaguluhan sa Central Mindanao bunsod nang pagkaunsyami ng Bangsamoro Basic law (BBL).

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng operasyon ng militar at pulisya ay nasa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng Pangulo bilang commander in chief at ginagampanan niya ang tungkuling ito.

Sinabi ni Duterte, dapat may Plan B ang administrasyong Aquino kung mabibigong maipasa ang BBL, lalo na’t maraming mambabatas ang nagdadalawang isip na suportahan ito.

Naniniwalasi Coloma na wala nang dapat pang ipagtapat ang Pangulo kaugnay sa Mamasapano incident dahil sa talumpati ng punong ehekutibo noong Pebrero 6 ay inako na niya ang responsibilidad sa naturang operasyon.

“Sa kanyang talumpati noong Peb. 6, ipinahayag na ng Pangulo na bilang ama ng bayan at commander in chief, pasan niya ang responsibilidad para sa lahat ng nangyari sa misyong ikinamatay ng SAF 44,” ani Coloma.

Kamakalawa, hinamon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Aquino na ibunyag ang kanyang partsipasyon sa Mamasapano operations.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …