Sunday , December 22 2024

Pagpaslang sa brodkaster kinondena ng Palasyo

maurito limNAKIISA ang Palasyo sa pagkondena sa pagpaslang sa isang radio commentator ng DYRD sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa.

Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., kumikilos na ang mga awtoridad para madakip at mapanagot ang pumatay sa broadcaster na si Maurito Lim.

“Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa ating lipunan kung kaya patuloy itong nakikipagtulungan sa hanay ng mga peryodista at manggagawa sa sektor ng pangmadlang komunikasyon upang mapangalagaan ang kaligtasan at maitaguyod ang kalayaan ng pamamahayag,” sabi ni Coloma.

Si Lim ang ika-31 mamamahayag na pinaslang sa loob ng halos limang taon na administrasyong Aquino.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *