Sunday , November 17 2024

Michael de Mesa, aminadong greatest fulfillment ang paglabas sa teatro

021615 Michael de Mesa Audie Gemora

00 Alam mo na NonieAminado si Michael de Mesa na ibang klaseng excitement ang hatid sa kanya ng pagiging stage actor. Dito raw niya nararamdaman talaga ang greatest fulfillment niya bilang alagad ng sining.

Kaya naman nang dumating ang La Cage Aux Folles, hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ito.

“Noong dumating ito, I really considered it, kahit na alam kong magkakaproblema sa TV schedules ko, pero it was something that I really wanted to do. Kasi, kating-kati na akong lumabas sa entablado kumbaga.

“Excited ako for this play, kasi my last play noong 2008 was also a very-very popular musical, yung Hairspray. And then sa six years, nagkaroon ako nang hunger na parang gusto ko ulit mag-perform,” esplika ng batikang aktor.

Ginagampanan niya rito ang papel ni George, na may ari ng club na ang performers ay men in drag.

“I play a homosexual who’s very much in love with the character of Audie Gemora. Pero mayroon akong anak na lalaki. Pero yung anak ko, lumaki sa amin, ‘di siya lumaki sa tunay niyang ina. Kilala niya rin yung tunay niyang ina, pero ang talagang kinilala niyang ina ay ‘yung character ni Audie.”

Nabanggit din ni Michael na isa ang La Cage Aux Folles sa pinakamatagumpay na musical play sa Broadway, kaya hindi na raw siya nagdalawang isip nang ialok sa kanya ito.

“This is one of the best musicals ever produced in Broadway. Masaya ako na napili akong maging part of this, kasi familiar ako sa play na ito, e. And it’s one of the most successful plays in Broadway.

“So noong ginawa dito, tapos in-offer sa akin, hindi na ako nagdalawang isip. Iyong pinakanaging worry ko lang, yung schedule,” saad pa niya.

Nasabi rin ni Direk Michael kung gaano talaga kahalaga sa kanya ang teatro.

“It’s for the love of, talaga. Sacrifice in terms of talent fee, yeah… pero, gusto ko e. I mean, gusto ko talaga, So, kung gusto mo gagawan mo ng paraan, ‘di ba? Kung hindi mo gusto, gagawa ka ng dahilan.

“Eto ginawan ko ng paraan and all materials I’ve done on theater or the reason why I do theater, is for my growth as an actor. It keeps me grounded and eto talaga yung ano e, I do it for my soul, for the love of, talaga.

“Mas nararamdaman ko ang pagiging artist ko sa teatro, e.”

Idinagdag pa niyang kung tutuusin daw, mas mahirap talagang umarte sa teatro.

“Mahirap, mahirap. Kasi, iba ang disiplina rito, e. Ang theater kasi, actor’s medium talaga iyan, e. Unlike film, it’s a director’s medium and then yung television, it’s corporate now, ‘di ba? So, network ‘yan, so you’re given materials na mayroon nang expectations sa iyo.

“Sa theater, you have that luxury of time to really work on the material, to build your character, to create your role and to experiment during rehearsals. Kumbaga, nakakaano ka talaga… and dito lang sa theater, ‘yung greatest-greatest-greatest fulfillment ko as an actor, I find in theater,” pagbibigay diin pa ng award winning actor.

Ang La Cage Aux Folles ay sa direksiyon ni Robbie Guevara. Ito’y hatid ng 9 Works Theatrical at mapapanood ito sa RCBC Plaza, Makati mula February 28 hanggang March 29.

Kasama rin sa casts nito sina Audie Gemora, Rafa Siguion Reyna, Missy Macuja-Elizalde, anak ng prima ballerina na si Liza Macuja, JP Basco, Mara Celine Javier, Randi de Guzman, Carlos Deriada, Chesko Rodriguez, Dindo Divinagarcia, Steven Silva, Raul Montesa, Sheila Francisco, Analin Bantug, Noel Rayos, at iba pa.

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *