Sunday , December 22 2024

Indoor air pollution mas matindi kaysa outdoor

indoor air pollutionMAS matindi ang air pollution kaysa outdoor air, ito ay ayon sa artikulo ng The Green Magazine, ang science publication sa Estador Unidos.

Tinukoy ang resulta ng pagsasaliksik ng US Environmental Protection Agency (EPA), sinabi ni Helke Ferrie, isang science writer, ang isang sanhi ng indoor air toxity ay ang gas appliances na nagpoprodyus ng carbon gayondin ng nitrogen monoxide, ang reddish-brown gas na may acrid odor.

Sa artikulong may pamagat na “Stop Cooking With Gas,” sinasabing ang nitrogen monoxide ay higit na talamak sa tahanan at sa work place kaysa labas ng bahay.

Ayon sa nasabi ring ulat, nabatid sa pagsasaliksik, ang nitrogen monoxide ay humahadlang sa paghinga sa pamamagitan ng pag-atake sa mucous membrane ng lungs at nagpapababa sa brain activity sa pamamagitan ng paghadlang sa pagdaloy ng oxygen. Ito ay nagdudulot ng oxidation ng unsaturated fatty acid ng cell membrane.

Ang higit na apektado nito ang may mababang cardiovascular activity, mga bata at matatanda, ang mga may asthma, at may problema sa kalusugan. Ang iba ay nanganganib bunsod ng chronic exposure kahit sa low levels lamang.

Bilang komento sa ulat, sinabi ni Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines Inc., ang mga Filipino ay magiging ligtas sa pagluluto gamit ang green charcoal na mura, efficient, ligtas gamitin at eco-friendly. Ito ay alternatibo sa LPG ngunit ligtas sa panganib sa pagluluto gamit ang gas.

Paliwanag ni Catan, ang green charcoal technology, ay tungkol sa proseso ng pag-convert ng forest waste patungo sa green charcoal sa porma ng fire logs, pellets at briquettes. Bukod dito, ito ay nagpapabawas sa indoor pollution at nagsusulong ng healthy cooking. Ito ay nagpapabawas sa pagdepende sa imported cooking fuel, kaya makatitipid ng milyon-milyong dolyar.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *