ni Roldan Castro
MAS type ni Daniel Padilla na maging crazy kaysa beautiful sa tipo ng love. ‘Pag puro kagandahan na ay nagiging boring samantalang ‘pag crazy ay nagiging exciting.
Ganoon din ang pananaw ni Kathryn Bernardo. Mas may thrill ‘pag may kaunting craziness sa isang relationship.
Ibinuking ni Kath sa presscon ng Crazy Beautiful You na ngayon ay hindi na siya binibigyan ng regalo ni Daniel kaya palaisipan kung niregaluhan siya ni DJ kahapon sa Araw ng Mga Puso.
Katwiran ni Daniel, “Nagipit ‘yung ano…Ha! Ha! Ha! Kasi, trababo, puro kami work, ganyan. Binibigyan ko naman siya ng pagkain. Lately, ganoon na lang ang ibinibigay ko.”
Nagkuripot na si DJ?
Anyway sa Feb. 25 na ang showing ng Crazy Beautiful You na idinirehe ni Mae Cruz-Alviar. Kasama sina Inigo Pascual, Gabby Concepcion, at Lorna Tolentino.