Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brodkaster todas sa ambush (Niratrat sa harap ng radio station)

FRONTBINAWIAN ng buhay ang anchorman ng DRYD-AM station na nakabase sa Tagbilaran City, Bohol makaraan barilin sa harapan ng himpilan dakong 10:45 a.m. kahapon.

Iniulat ni Supt. Renato Dugan, spokesman ng PNP Region-7, may isang suspek ang lumapit kay Engr. Maurito Lim at siya ay binaril.

Agad isinugod si Lim sa ospital sa siyudad ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Si Lim na isang retired Napocor official ay may programa sa DYRD tuwing Sabado na “Chairman Mao On Board” at tuwing Linggo ng gabi na tinaguriang “Banikanhong Haranista.”

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung may kinalaman ang krimen sa kanyang programa, sa kanyang negosyo o iba pa.

May mga impormasyon na nasa loob pa ng kanyang sasakyan ang biktima at papasok na sana sa estasyon nang barilin ng suspek gamit ang .45 pistola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …