ni ALex Brosas
HOW true ang nasagap naming chika na napeke raw si Marian Something?
Madalas daw kasing bumili ang hitad ng mga damit online. Ang chika, hindi naman daw lahat ng nabili niya ay genuine articles, mayroon daw iba rito ay fake.
Laugh nga raw ng laugh ang ilang fashion designers kapag nakikita nila ang Instagram posts ng dyowa ni Dingdong Something dahil fake raw ang mga ito.
Totoo ba ito, Marianita?
Pero hindi kami naniniwala na nakabili nga ng fake na damit si Marian Something online. Matalino naman siguro siya at alam niya ang fake at hindi. One thing more, mayroong isang avid fan siyang blogger na detalyado kung i-describe ang outfit of the day niya sa Instagram kaya paanong magkakaroon ng fake na designer clothes si Marianita?
Isa pa, alangan namang maglabas ng malaking datung si Marian sa isang fake na damit, ‘no!