ISANG matanda ng character actor ang nasa Home for the Aged ngayon. Hindi naman sila kahirapan pero bakit dinala ng mga anak niya ang aktor na noong kalakasan niya ay aktibo pa namang gumaganap bilang tatay o lolo ng mga ilang pelikula sa malalaking productions.
Napag-alaman naming mismong mga anak nito ang nagdala sa kanya sa lugar ng matatandang wala ng kumakalinga. Naisip namin tuloy na kung ‘yung matatanda na may anak ay inilalagay pa sa ganitong institusyon, eh ‘di lalo na ang matatanda na wala ni isa man lang anak?
Ang alam namin sa character actor na ito, nagsimula muna siya sa radyo hanggang mapunta sa pelikula. Get’s n’yo na?
Isa pang clue, jnang letra ng alpabeto ang first name niya. Okey?