Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Bistek, bida na sa Wansapanataym

021415 Wansapanataym Harvey Bautista

00 fact sheet reggeeBIDA na si ‘Goin Bulilit si Harvey Bautista sa Wansapanataym na mapapanood bukas, Linggo (Pebrero 15) na punompuno ng magic. Si Harvey ay anak ni Quezon City MayorHerbert Bautista kay Ms Tates Gana.

Ang month-long special ng Wansapanataym na may titulong Remote ni Eric na pagbibidahan nga ni Harbey kasama sina Joel Torre, Cherry Pie Picache, Sue Ramirez, Alex Diaz, at Arjo Atayde mula sa panulat ni Benedict Migue at idinirehe naman ni Erik Salud.

Ang Wansapanataym Presents Remote ni Eric ay iikot sa kuwento ni Eric (Harvey), isang batang matigas ang ulo at ayaw makinig sa utos ng kanyang mga magulang. Unti-unting magbabago ang buhay ni Eric na pagkakalooban siya ng isang mahiwagang remote control na makapagbibigay sa kanya ng kakayahang kontrolin ang mga tao sa paligid niya.

Matutuhan kaya ni Eric ang halaga ng pagsunod sa kanyang mga magulang kapag nalagay siya at ang kanyang pamilya sa panganib dahil sa paggamit niya ng mahiwagang remote control?

Huwag palampasin ang pinakabagong Wansapanataym special ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …