Monday , December 23 2024

TVplus ng ABS-CBN, magpapabago ng tingin sa inyong mga telebisyon

021315 abs cbn  tv plusEugenio Lopez III, Charo Santos-Concio, and Carlo Katigbak lead the ceremonial switch-on of ABS-CBN TVplus

 

00 SHOWBIZ ms mMAS malinaw at masaya na ang panonood ng TV ng buong pamilya sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus, ang digital box ng ABS-CBN na magdadala ng pinakamalaking pagbabago sa telebisyon—ang mas klarong palabas at karagdagang exclusive channels na mapapanood ng libre.

Hatid ng ABS-CBN TVplus o mas kilala bilang ‘mahiwagang black box’ ang napakalinaw na palabas na katulad sa panonood ng pelikula sa DVD, malayo sa signal at ordinaryong antenna ng analog TV na nakasanayan ng mga Pinoy.

“Digital terrestrial television (DTT) is a major investment for ABS-CBN, but it is actually investing in our fellow Filipinos. Naniniwala kaming ang inspirasyon at impormasyong dadalhin ng digital TV sa ating mga tahanan ay magbubukas ng mga bagong oportunidad sa bawat pamilyang Filipino,” giit ni ABS-CBN chairmanEugenio Lopez III.

Ginanap ang ceremonial switch-on para sa opisyal na paglulunsad ng produkto noong Miyerkoles ng gabi sa ABS-CBN Center Road na pinangunahan ni Lopez, president at CEO na si Charo Santos-Concio, at ABS-CBN head of access na si Carlo Katigbak.

“Ang mahiwagang black box ay matagal nang pangarap ng ABS-CBN para sa mga kababayan nating hindi nakakapanood ng malinaw na TV. Ngayon magbabago na ang lahat para sa kanila,” pahayag ni Concio.

Mas maraming channels na rin ang maaaring pagpilian ng pamilya dahil bukod sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action, kalakip ang apat na libreng digital TV channels na eksklusibong makukuha lang kapag binili at ikinabit sa TV ang ABS-CBN TVplus.

Kabilang na rito ang CineMo, ang kauna-unahang all-day movie channel sa free digital TV tampok ang blockbuster na comedy at action movies nina Fernando Poe Jr., Dolphy, at iba pang paboritong idol ng mga Pinoy.

Para bumili, bisitahin ang ABS-CBN Store, ABS-CBNmobile Store, SM Appliance Centers, 2Go Express, Solid Service Center (Sony Authorized Service Channel), Villman, Silicon Valley at iba pang electronic, appliance at hardware stores. Mabibili rin ito sa mga authorized ABS-CBN TVplus sales agent na mag-iikot-ikot sa mga kabayahan. Maaari ring bisitahin ang www.abs-cbnstore.com, tumawag sa (632) 488-8888 at 1800-10-4888888 (para sa mga lugar sa labas ng Metro Manila), o mag-text sa 23661. Ihahatid mismo sa bahay ang box ng LBC at 2G0 na walang bayad sa kahit saang area na may digital coverage.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *