Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Ang Hired Killer (ika-2 labas)

00 kuwentoKasabihan: “Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.” Agad niyang sinunggaban ang alok ng kausap na bigtime drug lord sa halagang kalahating milyong piso. Ipinasa-salvage nito sa kanya ang drug pusher na si alyas “Tsong Kee.” Onsehan ang dahilan. Tinakbuhan daw ito ni Tsong Kee matapos madeliberan ng malaking bulto ng shabu.

“Ibibigay ko ang kapupunang kalahati sa napagkasunduan nating halaga pag tapos na ang misyon mo,” paglilinaw sa kanya ng drug lord.

Nang gabing iyon ay kinalawit ni Brendo si Tsong Kee paglabas nito sa tinutulu-yang apartment. Iginapos ito at saka isiniksik sa likurang compartment ng ipinamamasadang taksi. Idiniretso niya ang minamanehong sasakyan sa isang matalahib na bakanteng lote sa labas ng lungsod. Doon siya gumawa ng malaki-laking hukay gamit ang pala at piko.

“M-maawa ka sa akin… M-may pamil-ya rin akong tulad mo…” hagulgol ni Tsong Kee sa pag-iyak.

Dahil sa mahigpit na pangangailangan ni Brendo sa pera ay tinanggap niya ang ipinapatrabaho sa kanya ng drug lord. Pero ang totoo, ayaw na niyang mabahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Lubusan na siyang nagsisi sa paghingi ng kapatawaran sa Diyos. At ewan kung bakit sa pagkaka-taong iyon ay tila ibig mangibabaw sa puso niya ang pagkaawa kay Tsong Kee.

Bilang patunay na tapos na ang kanyang misyon ay ipinagkaloob niya sa drug lord ang mga personal na gamit ni Tsong Kee na kinabibilangan ng kwintas at wallet na naglalaman ng iba’t ibang ID. Kasama niyon ang isang krokis kung saan lugar niya sinunog at ibinaon ang bangkay nito. At mabilis na napasakamay niya ang kapupunang dalawang daan at limampung libong piso para sa kontrata ng pagpatay sa halagang kalahating milyon.

Nadala ni Brendo ang anak na may kan-ser sa dugo sa isang kilalang ospital na may mga espeyalistang doktor. Bunga niyon, siya at ang kanyang asawa ay nagkaroon ng pag-asang madurugtungan pa ang buhay ng kanilang kaisa-isang supling.

(Itutuloy)

 

ni REY ATALIA

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …