Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kailan kaya pakakasalan ni Lloydie si Angelica?

ni Vir Gonzales

012815 Angelica Panganiban lloydie

MAY mga nagtatanong kung may teleserye sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz dahil nag-iingay sa isang magkasalungat na pahayag.

Sabi ni Angelica, malapit na silang magpakasal. Sabi naman ni Lloydie, walang kasalang magaganap.

May movie kaya ang dalawa na ipalalabas ngayong June? Para naman kasing it’s so unfair for Angelica dahil minsan na ring nabanderang ikakasal kay Derek Ramsay pero drawing lang pala.

Sabagay nasa tamang edad na naman ang dalawa.

Mildred Ortega,  ‘di pa rin kumukupas ang kagandahan

NAGBIGAY ng party ang dating aktres/singer na si Mildred Ortega sa Barrio Fiesta para sana sa balikbayang si Nap Alip at pamilya nito. Ang problema, hindi nakarating si Nap, sa hindi malamang dahilan.

Wala pa ring kupas ang beauty ng dating star ng Lea Production at kabiyak ng puso ni Gen. Templo.

May dalawang anak na parehong lalaki, isang abogado at guro, pero ngayon ay member ng isang banda. Mana kay Mildred ang anak, dahil maganda ang boses ng ina.

Napaka-relihiyosa pala ni Mildred dahil tuwang-tuwa noong bigyan namin ng pink rosary ni Pope Francis. Matinding paniniwala niya kay Padre Pio, marami na raw pinagaling ito na nasamahan niya kay Padre Pio. May isang bata raw na pinagaling. Karamdamang hindi magising-gising.

Tuwang-tuwa raw ang parents ng bata noong gumaling na. Naging problema naman, mahirap naman itong patulugin dahil very energetic sa kalikutan.

Sa rami ng mga artistang nainterbyu naming, si Mildred lang yata at pamilya niya ang no wonder nagdarasal at nagrorosaryo sa gabi. Blessed in life.

May kuwento rin si Mildred, hindi niya makalilimutan ang pamosong karakter aktres na si Caridad Sanchez. Minsan daw, lumabas ng bahay si Mildred at naisipang kumain sa labas. Namutla raw siya noong maalalang naiwan pala ang wallet sa isa niyang bag. Naisip agad ni Mildred, maghuhugas siyang tiyak ng mga plato sa restaurant.

Para raw hulog ng langit dumating si Tita Caring at lumapit sa kanila, beso-beso. At sinabi raw nito, sagot niya ang kinain nila, dahil marami s’yang raket. Kulang na lang daw sumigaw sa tuwa at pasasalamat ang magandang aktres/singer.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …