Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo Pascual, kaiinggitan sa kaliwa’t kanang project

021315 Iñigo Pascual

00 fact sheet reggeeHINDI kaya kinaiinggitan ngayon si Iñigo Pascual ng mga naunahan niyang batang aktor sa Star Magic?

Ilang buwan palang kasi sa showbiz ang anak ni Piolo Pascual ay heto at kaliwa’t kanan na ang projects.

Noong nakaraang taon lang ipinalabas ang una niyang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-Ibig kasama sina Julian Estrada at Sofia Andres.

Noong Enero ay sila ni Julia Barretto ang nagbida sa Wish Upon A Lusis episode saWansapanataym month long special na katatapos lang noong Linggo, Pebrero 8.

At sa Pebrero 25 ay ipalalabas naman ang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema na idinirehe naman niMs Mae Cruz.

Bagamat hindi supporting lang si Inigo sa nasabing pelikula ng KathNiel ay malaki na rin ang papel niya dahil kapatid siya sa kuwento ni Daniel at later on ay naging ka-love triangle.

At sa Marso ay ipalalabas naman ang pelikula nina Inigo at Julia kasama sina James Reid at Nadine Lustre na maski support lang din ang dalawa sa JaDine loveteam ay malaking bagay na rin iyon sa batang aktor.

Balita namin ay may binubuong TV project para kay Inigo kasama si Julia pagkatapos ngWansapanataym episode nila.

At dahil marunong kumanta at may boses ay gagawa na rin siya ng album sa Star Records pero mauunang ilabas ang OPM album na may isang kanta si Inigo.

Going back to Inigo ay introducing siya sa Crazy Beautiful You, eh, hindi naman niya unang pelikula ito dahil napanood na siya sa Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Samantala, puring-puri ng Star Cinema production si Inigo dahil mabait daw at mahusay makisama sa lahat na hindi nakitaan ng ere maski na lumaki sa ibang bansa.

Sana nga Ateng Maricris, hindi magbago si Inigo ‘no para hindi siya kaasaran ng entertainment press tulad sa ibang artista na sa una lang mabait at nang nagkapangalan na ay nag-iba na ang ugali.
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …