Sunday , November 17 2024

Illegal terminal sa Elliptical Road QC namamayagpag pa rin

illegal terminalMAGALING rin talaga magtago ng kailegalan ang isang alyas ULO diyan sa Quezon City Hall.

Mantakin ninyong ilang metro lang ang distansiya sa city hall ng Elliptical Road ‘e naitatago pa kina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Joy Belmonte ang mga ilegal na terminal ng mga jeep?!

Ang ipinagtataka natin, bakit hinahayaan ang mga ilegal na terminal sa bungad mismo ng isang subdivision d’yan sa Diliman.

Ilang beses nang inirereklamo ‘yang mga perhuwisyong  ilegal terminal na ‘yan pero parang dumaan lang sa hangin ang mga reklamo.

Alam ba ni Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na nasasalisihan siya ng mga illegal terminal operator d’yan sa gilid ng National Housing Authority (NHA) sa Maharlika St.?

E mukhang laging si Mayor Bistek at si Madam Joy lang ang paboritong kausap ni DPOS chief kaya ‘baka’ wala pa siyang alam sa mga illegal terminal na ‘yan?!

Ganoon ba ‘yun, Boss Elmo, Sir?!

Makikisuyo na po tayo DPOS chief, pakiimbestigahan na nga po ‘yung isang alyas ULO na siya umanong nakikinabang nang husto sa butaw ng illegal terminal at kolorum sa lugar na ‘yan.

Agad-agad na po!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *