Sunday , December 22 2024

Bantang kudeta vs PNoy ibinunyag ni Sen. Miriam (Nagbantang arestohin!)

PNOY SAF 44IBINUNYAG ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa pagdinig ng Senado sa kaugnay sa enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, ang aniya’y nilulutong kudeta laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa senador, nakatanggap siya ng impormasyon na ang mga lider ng “alphabet soup acronym groups” ay nagpaplano na patalsikin ang pangulo sa puwesto.

Ang nagpopondo aniya nito ay isang napakayamang tao na kilala rin sa publiko.

“I have intelligence as of yesterday that leaders of certain alphabet soup acronyms who are familiar with the public had a recent meeting, because they wanted to discuss how to stage a coup d’etat, who should be installed as president, and even their contributors were there,” ani Santiago.

Dahil dito, nanawagan ang senadora na agad ang arestuhin kung sino ang nasa likod nito dahil labag ito sa batas.

Ang nilulutong kudeta ay meron aniyang tatlong stages katulad ng “attempted, frustrated at consummated.”

Binigyang-diin ng mambabatas na tama lamang na batikusin ang presidente, ngunit dapat magtapos ang termino ng Pangulong Aquino sa legal na paraan.

“No matter how bitterly I criticize President Aquino, I am a lawyer and I still remain standing behind the rule of law,” wika ni Sen. Miriam. “If he should leave his office, let him leave at a proper time but not by extralegal means.”

Niño Aclan/Cynthia Martin

Kudeta VS Pnoy bineberipika — Gazmin

INIHAYAG ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na bineberipika nila ang impormasyon ng bantang kudeta laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Gazmin, nakatanggap din siya ng impormasyon ngunit masusi pa nila itong beneberipika.

Nabatid na maraming Filipino ang nagalit sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) nang maka-enkwentro ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magsilbi ng arrest warrant sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Binatikos din ang Pangulo sa hindi niya pagdalo sa arrival honors para sa mga namatay na SAF members at pinili ang pumunta sa inagurasyon ng planta ng isang car company sa Laguna.

Pag-aaklas pipigilan ng AFP

KOMPIYANSA ang Palasyo na tinutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tungkulin na pigilan at puksain ang ano mang pag-aalburuto sa hanay ng militar.

Ito ang tugon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may natanggap siyang impormasyon na may pinaplanong pag-aaklas ang militar na pinopondohan ng pinakamayamang negosyante sa Filipinas.

“Mismong si Secretary (Voltaire) Gazmin ang nagpatunay sa kahandaan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) na gampanan ang tungkuling ito,” giit pa ni Coloma.

Ibinunyag pa ni Santiago na bagama’t ilang beses nang nagpulong ang ilang mga grupo at “financier” ng kudeta ay wala pang napagkakasunduan kung paano patatalsikin si Pangulong Aquino.

Habang kinompirma ni Gazmin na nakatanggap ang DND ng reports hinggil sa kumukulong kudeta  ngunit bineberipika pa nila ito.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *