ni Rommel Placente
KUNG noon ay walang nakaalam at kahit kami, kung ano ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay ang sikat na loveteam, ngayon ay alam na namin ang dahilan.
Ang aktres mismo ang nag-reveal sa amin na nabisto niya raw kasi noon na bukod sa kanya ay may iba pang babae ang kanyang ka-loveteam at boyfriend at nagkaroon pa raw ito ng anak doon sa babae.
Hindi raw niya matanggap ang kanyang nalaman na naging dahilan para makipaghiwalay daw siya sa kanyang ka-loveteam kahit daw that time ay mahal na mahal niya ito.