Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao-Mayweather Megafight hindi matutuloy (Dahil kay Arum)

Kinalap ni Tracy Cabrera

010715 floyd pacman

NANINIWALA si Alex Ariza, dating strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, na hindi matutuloy ang laban ng People’s Champ kontra sa walang-talong si Floyd Mayweather Jr.

“Hindi ito mangyayari. Lalaban kami sa Mayo 2 pero hindi si Manny Pacquiao,” sambit ni Ariza sa panayam ni Steve Angeles sa ABS-CBN.

“Umaasang kalaunan ay mawawala sa eksena itong si Bob Arum. Kapag nawala na siya, puwede nang matuloy,” dagdag niya.

Binigyan ni Pacquiao ang kampo ni Mayweather hanggang katapusan ng Enero para lagdaan ang kontrata para sa mega fight ngunit marami pa rin balakid para maikasa ito.

Sa panayam naman ni Lem Satterfield ng Ring Magazine, inamin ng adviser ni Pacman na si Michael Koncz na minamataan na nila ang Plan B sa katauhan ng boksingerong si Amir Khan.

“Naniniwala akong hindi papatol si Mayweather para labanan kami dahil wala naman siyang paki sa mga fans,” ani Koncz sa RingTV.com. “Hindi namin siya hihintayin. Isinara na namin ang pintuan, pero hindi talaga kami maghihintay, kaya tumitingin kami sa iba pang opsyon.

“Kasama rito si Amir. Nakausap ko na si Amir sa ilang okasyon, at nakausap na rin siya ni Golden Boy.”

Huling napalaban ang Pambansang Kamao noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Macau, na matagumpay niyang naidepensa ang kanyang WBO welterweight title kontra kay Chris Algieri.

Matapos ang laban, lantarang hinamon ni Pacquiao si Mayweather sa paghayag na sang-ayon siya sa lahat ng termino sa kontrata at hinihintay lang niya na lagdaan ito ni Mayweather.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …