ni Ronnie Carrasco III
LANI MERCADO for mayor. Ito ngayon ang balitang isunusulong ngayon ng mga tagasuporta ng Congresswoman still in Bacoor, mag-give way naman kaya ang kanyang bayaw na si Strike?
Hindi na kailangang mag-read between the lines sa political move na ito ng maybahay ni Senator Bong Revilla: wala na kasing pork barrel maging sa Kongreso.
Hindi ba’t minsan nang na-quote si Lani nang masangkot ang kanyang asawa sa PDAF scam, “Eh, ‘di huwag kaming hingan (ng aming mga constituents)!” It was a statement that put Lani in a bad light, making it even worse than Bong’s alleged involvement in the shameless scandal.
May resources nga naman that any LGU can generate, ‘yun ay kung papalarin si Lani sa minimithing mayoral seat.
Ang worry namin, baka ang non-support kay Bong ng mas nakararaming taumbayang nagngingitngit sa mga sangkot sa pork barrel scam ay mag-rub off sa maraming mga taga-Bacoor. Hence, baka tagilid si Lani sa 2016 elections.