ni John Fontanilla
UNTI-UNTI nang bumabalik ang lakas at sigla ni German “Kuya Germs” Moreno na patuloy pa ring sumasailalim sa theraphy para mas mapabilis ang paggaling.
Nakangiting kuwento ng secretary nito na si Ms. Chuchie Fajardo, “Malapit-lapit nang makabalik sa trabaho si Kuya Germs, unti-unti ng bumabalik ‘yung sigla at lakas niya.
“Nakatutuwa nga eh, kasi mabilis ang kanyang recovery.
“Continues pa rin ‘yung therapy niya sa bahay para mas mapabilis pa ang kanyang paggaling.
“Nagagalaw na niya ‘yung kaliwang braso at kamay niya. At kung dati, mahina magsalita si Kuya Germs, ngayon malakas na siyang magsalita.”