Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

15 sugatan sa sumabog na kerosene stove sa school

Cebu UniversityCEBU CITY – Malubhang nalapnos ang katawan ng isang vendor habang sugatan ang 14 pang iba kabilang ang siyam mga estudyante, bunsod nang sumabog na kerosene stove sa loob ng food park ng Cebu Technological University main campus kamakalawa.

Ayon SFO1 Tristan Tadatada ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto si Arenato Catarongan, 41, nang biglang sumabog at nagliyab ang stove at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga tindahan.

Ayon kay Tadatada, nalapnos din ang katawan ng katabing vendors na kinilalang sina Fibua Lauron, 35; Jelly Ann Dedicatoria, 17; Jenelyn Tuburan, 15, at Janice Tabar, 40, gayondin ang siyam mga estudyante at isang administrative officer.

Inianunsyo ni Dr. Rogelio Villamor, ang university doctor,  maayos na ang kondisyon ng nasabing mga estudyante maliban kay Charish Lynn Barinaga, 17, nananatili pa rin sa pagamutan dahil nahilo nang ma-suffocate.

Tinatayang aabot sa 10 stalls ang naabo at dalawang partially damage ang iniwan ng nasabing insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …