Sunday , December 22 2024

Walang badyet walang projects (Lacson, naglingkod sa PARR para sa kapakanan ng sambayanan)

lacsonLUNGSOD NG MALOLOS—Pormal nang tinapos kahapon ni dating senador Panfilo Lacson ang kanyang isang taong pag-upo bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) na naglingkod siya para sa kapakanan ng sambayanan.

Sa kanyang pahayag, idiniin ni Lacson na sa harap ng mga banta ay dapat magkaisa ang mga mamamayan at tunay na umaksiyon.

“Ang terorismo ng mga jihadist at kalamidad sanhi ng climate change ay maaaring tumama sa atin anumang oras nang walang warning o babala,” diin ni Lacson. “Kaya dapat maging handa ang ating gobyerno para protektahan ang lahat ng Pilipino mula sa anumang banta sa kanilang buhay at ari-arian, gawa man ng tao o ng kalikasan.

Inirekomenda rin ni Lacson sa gobyerno na dapat nang bumuo ang gobyerno ng isang ahensiya para sa mga kalamidad batay sa ibinigay niyang Comprehensive Rehabilitation & Recovery Plan noong Agosto 1, 2014 na may nakapaloob na P167.8-B budget na tutustos sa 18,648 proyekto at inaprubahan ng Pangulo noong Oktubre 2014.

“Ang pagbibigay halaga sa kapakanan ng ating mga kababayan ang naging pangunahing dahilan kung bakit tinanggap ko ang posisyon bilang PARR kahit walang kapangyarihang magpatupad ng anumang proyekto at walang budget,” ani Lacson. “Kapakanan din ng ating mga kababayan ang pangunahing dahilan kung bakit ko hiniling sa ating Pangulo na lusawin na ang nilikhang posisyon ng PARR upang mailipat ang lahat ng kakayahan at resources sa wasto at permanenteng ahensiya ng gobyerno.”

Idinagdag ni Lacson na kailangan nang patibayin ang isang  permanenteng ahensiya upang magsagawa ng mabilis at maayos na rehabilitasyon para sa lahat ng bagyo o ano mang uri ng kalamidad dahil dapat paghandaan ang lahat hindi lamang sa bagsik ng masasamang tao kundi pati sa bagsik ng kalikasan.

“Sa karanasan ko bilang dating Phlippine National Police (PNP) Chief at PARR, naisip ko na ang pagsagip ay hindi lamang dapat sinasagawa kapag nalagay na sa panganib ang buhay,” dagdag ni Lacson. “Ang tunay na kaligtasan ay makakamtan kung tayo ay handa sa anumang sakuna o banta sa pamamagatin ng masusing pagplano at matitibay na institusyon.” 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *