Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, babalik sa ABS CBN?

090114 sharon

00 Alam mo na NonieUMAASA si KC Concepcion na magbabalik-ABS CBN ang kanyang mommy na si Sharon Cuneta. Nang usisain si KC, sinabi nitong animo raw isang divorce ang naganap noon nang iwan ni Sharon ang ABS CBN para lumipat sa TV5.

“Siguro, hopefully… Kasi, home naman niya talaga ito. Dito naman din ako lumaki. So, it’s really her family and it felt like a divorce nga raw ng umalis siya.

“Kasi, it’s really a big part of her life etong Kapamilya Network,” wika ng aktres.

Nasabi pa ni KC na sobrang seryoso ngayon ang Megastar sa kanyang weight loss. Kahit pa raw hindi pa ito totally nakaka-recovers a pagkawa ng kanyang ina na si Mommy Elaine Cuneta.

Nang makapanayam namin si KC bago magtapos ang 2014, nabanggit nga niyang talagang todo-todo ang ginagawang pagpapayat ng kanyang ina.

“Kailangan e, kasi ako rin kailangan na ring pumayat. Pero kasi nahihiya pa siya,” nakangiting ni KC noon.

“May plan. Feeling ko kaya nagpapapayat siya, kasi may mga mangyayari,” bitin na tugon pa ng aktres.

Magugulat kaya ang fans niya kapag nakita siyang muli? “Actually payat naman siya before, ‘di ba? I mean, kumbaga maganda naman talaga yung katawan niya before. Mararamdaman lang nila na, she’s back,” nakangiting saad pa ni KC

Anyway, matatandaang noong 2011 ay pumirma ng five year contract ang Megastar sa TV5. Subalit last year, inanunsiyo mismo ng aktres sa kanyang Twitter account ang pag-alis niya sa Kapatid Network.

Matagal nang tunututukan at inaabangan na maraming Sharonian ang pagbabalik-showbiz ng kanilang idolo. Hopefully, very-very soon ay magkakaroon na ito ng katuparan.

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …